Saturday, October 28, 2006

A Friend Wrote This

Just wanna share it with you...

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin
ng aking itay isang gabi. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan
noonnguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko
pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon.
Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto.
Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya
na kailanga n daw naming mag-usap at huminging
papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y
kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian
ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay,
hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking
mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa
aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga
labi. Napasigaw ako.

"ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na
loob, Itay!" Nguni't parang walang narinig ang
aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang
ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga
mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking
ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang
ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo
ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan , "Hayop
ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo!
Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya
pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong
walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang
ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng
aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang
aking Itay.

Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang
angaking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita. Magaling naman palang mag-make-up si
itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking
ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa
galin g at husay ng aking ama. Naisip ko na
matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong
gumanda ngayon. Niyakap ko si Itay at pareho
kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na
kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

Lovingly yours,

BADONG

1 comment:

sweetpsychoholic said...

nampoch. hahaha written by a friend??? wil ah. hehe